^

Probinsiya

11 katao nalunod sa Semana Santa

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan  , Philippines  — May 11 katao ang naitalang nalunod mga lalawigan Isabela,  Cagayan, Ilocos Sur,  La Union at Abra nitong nagdaang pagdaraos ng Semana Santa.

?Limang biktima ang naitala ng Isabela Police Office na kinabibilangan nina John Mark Caba­lungan 15, Rexy Tumbaga, 21, at Nicole Zara, 9, ng magkakasunod na bayan ng Reina Mercedes, Angadanan at Cabatuan na nalunod noong Sabado sa gitna ng kanilang family picnic. ?

Naitala ring nalunod noong Biyernes Santo sina Virgilio Ordonio sa Roxas at Cesar Dictado, 9, na nasawi sa Brgy. Turod, Quezon. ?Nalunod naman sa isang beach sa Sta. Ana, Cagayan si Kent Santos, 23, habang patay din si Rowel Trinidad, 23, na sumisid sa underground lagoon sa loob ng Duba cave sa Baggao, Cagayan. ?Nasawi sa ilog sa San Juan, Abra si Cheska Bulda, 11, at sa isang beach naman sa Caba, La Union si Ronald Ramos, 54.?Sa Ilocos Sur nalunod sina Ryan Jay Galanto, 23 at Jomar Molina, 33, sa magkahiwalay na beach sa Brgy. Darapidap, Candon City at Brgy. Calongbayan, Santa.?Samantala masuwerteng ibinalik ng malakas na alon sa pampang si lola Corazon Quedado, 62, na lumusong at lumubog sa Villamar beach sa Caoayan, Ilocos Sur. ?Nailigtas ang lola ng mga doktor sa Gabriela Silang Hospital sa Vigan City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with