DA sec. bigo sa CA
MANILA, Philippines — Nabigo kahapon na makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si Agrarian Reform Secretary John Castriciones.
Sinuspinde ni Sen. Grace Poe, chairperson ng CA committee on agrarian reform, ang pagdinig sa kumpirmasyon ni Castriciones dahil sa dami ng isyung ibinabato sa kalihim.
Kabilang dito ang diumano’y kawalan ng karanasan ni Castriciones sa land reform.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin na isa sa mga tumutol sa appointment ni Castriciones, kulang sa kuwalipikasyon at special training ang kalihim at wala rin itong track record para pamunuan ng ahensiya.
Ipinagmalaki naman ni Villarin ang kanyang karanasan bilang abogado na magagamit umano niya sa kanyang trabaho sa departamento.
Binanggit rin nito ang 14,000 na nakabinbing kaso sa ahensiya at mahihirapan umano ang isang kalihim na walang karanasang legal.
Sinabi naman ni Castriciones na galing siya sa pamilya ng mga magsasaka at hindi kailangang maging magsasaka para maintindihan ang trabaho ng mga ito.
- Latest