^

Probinsiya

Seguridad sa pantalan hihigpitan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pag­hihigpit sa seguridad sa lahat ng mga daungan sa bansa at maging sa mga terminal ng ferry.

Kaugnay pa rin ito sa paggunita ng bansa sa Semana Santa simula March 29 hanggang April 1.

Inatasan ni Coast Guard Commandant Rear Admiral Elson Hermogino ang lahat ng Coast Guard units na tiyaking ligtas at kumportable ang mga paglalayag ng publiko na uuwi sa iba’t ibang lalawigan para gunitain ang mahal na araw.

Simula March 25 aniya ay mahigpit na ang alertong paiiralin nila sa buong bansa.

Partikular na pinatututukan ni Hermogino ang pag-iins­peksyon sa mga bibiyaheng barko, ang pre-departure inspection lalo na sa bilang ng mga pasahero, mga dokumento ng barko gaya ng manifesto bago  payagang makapaglayag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with