^

Probinsiya

3 dam sa bansa, isasailalim sa rehabilitasyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong dam sa bansa ang isasailalim sa rehabilitasyon at hindi muna magsusuplay ng tubig sa mga irigasyon ang  Bustos Dam sa Bulacan, Pan­tabangan Dam sa Pampanga at Magat Dam sa Isabela sa loob ng tatlong buwan.

Ito ayon kay National Irrigation Administration (NIA) information head Filipina Bermudez dahil may ilang dekada na aniya na hindi naisasailalim sa rehabilitasyon ang mga naturang dam.

Aniya simula March 31, 2018 ay hindi na muna mapapagkunan ng suplay ng tubig ang mga irigasyon na umaasa mula sa tatlong dam.

Aniya, may pitong bayan ang mga maapektuhan ng Bustos Dam habang sa Pantabangan ay 100,000 ektaryang sakahan ang apektado at may 80,000  ektaryang palayan naman ang maapektuhan sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi pa ni Bermudez na naglabas na sila ng abiso noon pang Oktubre ng nagdaang taon sa mga magsasaka para makagawa ng kaukulang preparasyon sa anumang epektong idudulot sa kanilang pagtatanim ng gagawing pagsuspinde sa pagpapadaloy ng tubig ng tatlong dam sa mga irigasyon.

Inabisuhan din anya ang mga magsasaka noong nagdaang taon na  sumunod sa cropping season bago sumapit ang panahon ng tag-init para di maapektuhan ng pagsasara sa irigasyon ng tatlong dam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with