^

Probinsiya

Piston organizer na ‘NPA’ inaresto!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Piston organizer na �NPA� inaresto!

Marklen Maojo Maga
 

MANILA, Philippines — Inaresto ng pinagsanib na elemento ng mga intelligence units ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y manugang ni National Democratic Front (NDF) Consultant Rafael Baylosis at organizer ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na umano’y miyembro rin ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa isang subdibisyon sa San Mateo, Rizal kamakalawa.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR) Chief P/Sr. Supt. Wilson Asueta ang nahuling suspect na si  Marklen Maojo Maga, nasa hustong gulang ng Brgy Ampid, San Mateo, Rizal.

Bandang alas-9:20 ng umaga nang maaresto si Maga sa basketball court ng Greenland Subdivision sa Brgy. Ampid sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Cesar Bordalba ng 10th Judicial Region ng Cabadbaran City, Agusan del Sur. Nasamsam mula sa kanya ang isang cal. 45 pistol na may isang magazine at pitong bala, isang wallet, mga IDs at iba pa.

Sa tala ng PNP, ang suspek ay miyembro ng Executive Committee, National Youth and Student Bureau at National Organizing Division ng CPP-NPA.

Kaugnay nito, sumugod ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno at kinalampag ang Gate 2 ng Camp Crame at kinondena ang illegal umanong pag-aresto sa Piston organizer. Isinisigaw nilang palayain si Maga na unang iniulat na kinidnap ng mga armadong kalalakihan pero nitong Huwebes lamang ng hapon nakumpirmang hawak siya ng CIDG-NCR sa Camp Crame.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with