^

Probinsiya

3 batang mag-uutol utas sa granada!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong batang magkakapatid matapos silang masabugan ng granada nang laruin ito ng isa sa kanila sa Lianga, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Capt. Rodulfo Cordero, tagpagsalita ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Agusan del Sur ang mga biktima na sina Renz Galdiano, 3 taong gulang, at kanyang mga kapatid na sina Reden, 1-anyos at Rynna Tui, 12 taong gulang.

Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-6:30 ng gabi habang hawak at nilalaro ng batang si Renz ang isang M203 grenade launcher ammunition nang bigla na lamang itong sumabog sa bahay ng isang Reger Galdiano sa Sitio Nepture sa Brgy Diatagon.

Kaagad namang rumes­ponde sa nasabing lugar ang mga operatiba ng Lianga Police at nagsagawa ng imbestigasyon.

Ayon kay Cordero, iniimbestigahan na nila kung paano nakakuha ng M203 grenade ang ama ng mga biktima na naging sanhi ng kamatayan ng kanyang mga anak.

Pinayuhan naman ni Lt. Colonel Jaime Datuin, 75th IB Commander ang publiko na huwag magtago ng mga explosives at illegal firearms at i-turn over ito sa mga otoridad upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with