^

Probinsiya

Samar at Ilocos Sur nilindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilindol din ang bahagi ng Northern Samar at Ilocos Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) unang naramdaman ang 5.4 intensity na lindol sa kanluran bahagi ng Sinait, Ilocos Sur bandang alas-8:18 ng umaga.

Nabatid sa ahensya na naitala ang lawak ng lindol sa 3.7 magnitude kung saan nagmula sa tectonic plates na may lalim na 022 kilometro.

Naramdaman naman ang intensity 3 na lindol sa mga bayan ng Vigan, Sinait at Bantay sa Ilocos Sur.

Habang naitala naman ang intensity 1 na pagyanig sa mga bayan ng Laoag at Pasuquin, Ilocos Norte.

Samantala, naramdaman naman ang intensity 5.4 na lindol sa Silangan ng Mapanas, Northern Samar dakong alas- 8:43 ng umaga.

Nagmula ang lindol sa tectonic plates na may lalim na 027 kilometro.

Maging sa bayan ng Ca­tarman sa Northern Samar at sa Cabid-an at Juban sa Sorsogon ay naramdaman ang intensity 2.

Habang naitala naman ang intensity 1 na lindol sa Tacloban City; bayan ng Palo, Leyte; Legaspi City, Albay; Masbate City sa Masbate; bayan ng Borongan, Eastern Samar, at sa Sorsogon City, Sorsogon.

Wala naman iniulat na napinsalang ari-arian habang inaasahan ang mga aftershock.

vuukle comment

SAMAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with