^

Probinsiya

Konsehal itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinabulagta ang isang opisyal ng barangay matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa harap ng kanyang anak sa bayan ng Calasiao, Pangasinan noong Lunes  ng tanghali.

Napuruhan sa katawan ang biktimang si Kagawad Wilfredo de Vera ng Barangay Banaoang.

Sa ulat ng Pangasinan Police na naisumite sa Camp Crame naganap ang krimen sa harapan ng bahay ng biktima sa  Barangay Banaoang bandang alas-12: 45 ng tanghali.

Ayon sa imbestigasyon, kararating lamang ng biktima sa kanilang  bahay nang biglang sumulpot at ratratin ng motorcycle-riding gunmen kung saan nasaksihan ng isa sa kaniyang mga anak.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero namatay din habang ginagamot.

Matapos na bumulagta ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang gunmen patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Inaalam naman ng pulis­ya kung may nakatutok na CCTV camera sa nasabing lugar para makilala ang gunmen.

vuukle comment

CAMP CRAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with