^

Probinsiya

Estudyante arestado sa bomb joke

SEEN SCENE - Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Arestado ang 17-anyos na estudyante matapos itong magbiro na may dala siyang bomba sa bag sa entrance ng malaking mall sa Barangay Alibagu, Ilagan City, Isabela noong Lunes ng hapon. Nataon ang insidente sa pagdiriwang ng mga deboto sa Poong Nazareno na ipinarada rin ang replica nito kaya ibayo ang panawagan ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City PNP na maging mapagmatyag ang mamamayan. Itinago sa pangalang Bheejay ang suspek na lumikha ng pagkaalarma sa mga parukyano ng mall nang tahasan nitong sambitin sa mga sekyu na may dala siyang bomba. Bagama’t menor-de-edad; pinasakamay ng pulisya si Bheejay sa kustodiya ng lokal na DWSD. Nabatid na krimen ang pagbibiro tungkol sa bomba alinsunod sa batas ng PD 1727.

vuukle comment

BOMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with