^

Probinsiya

Coed tumanggi sa sex dinedo ng nobyo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Coed tumanggi sa sex dinedo ng nobyo
Kinilala ni Marvelous College Administrator Pete Lubaton ang biktima na si Angela Jamora ng Barangay Improgo sa bayan ng Banga, South Cotabato at 2nd year college sa kursong Bachelor of Science in Business Administration.
Philstar.com/File

NORTH COTABATO, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 19-anyos na college stu­dent na tumangging ma­kipagtalik matapos itong untugin ng selosong nobyo sa kanilang eskwelahan sa Koronadal City, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni Marvelous College Administrator Pete Lubaton ang biktima na si Angela Jamora ng Barangay Improgo sa bayan ng Banga, South Cotabato at 2nd year college sa kursong Bachelor of Science in Business Administration.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Peter John Lacro, 21, ng San Felipe, Tantangan, South Cotabato at transferee student na kumukuha ng kursong Bachelor of Technical Teacher’s Education Major in Electrical Technology.

Naganap ang insidente bandang alas-9 ng umaga kung saan tinakot ng suspek ang biktima na ikakalat nito ang kanilang sex video kapag hindi nakipagtalik muli.

Ayon pa sa ulat, inuntog nito ang ulo ni Jamora makaraang tumanggi na makipagtalik sa kanya sa loob ng palikuran dahil may pumasok na estudyante sa kabilang silid.

Matinding selos ang isa sa dahilan kaya pinatay ang biktima matapos lumabas ang balitang may ibang nobyo ang babae.

Base sa pinsan ng biktima, nakita na nito ang suspek subalit hindi ito ang nobyong ipinakilala sa kanila ni Angela.

Itinanggi naman ng ina ni Angela na buntis ang kanyang anak at labis naman ang galit sa suspek, base rin sa ina nito na iba umano ang nobyo ng kanilang anak at hindi ang suspek.

 

vuukle comment

KORONADAL CITY

SOUTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with