^

Probinsiya

4 tiklo sa indiscriminate firing

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat-katao makaraang arestuhin ng pulisya kaugnay sa walang habas na pagpapaputok ng baril noong pagsalubong sa Bagong Taon sa magkakahiwalay na insidente sa rehiyon ng Ilocos, kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Chief Insp. William Nerona, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP ang isa sa suspek matapos ang pamamaril na si dating PO2 Allan Crisostomo, 44.

Si Crisostomo na sina­sabing senglot ay nagwala at nagpaputok ng baril sa plaza sa bayan ng Sta. Maria.?

Si Crisostomo ay dating naka-assign sa National Capital Region na nag-AWOL.?

Nasakote ang mga sus­pek na sina Ronald Datugan, 47; at Gerald Arconado, 36, na sinasabing nagpaputok ng baril sa gitna ng kanilang inuman sa Barangay Sucoc sa bayan ng Narvacan, Ilocos Norte.?

Samantala, sa ulat ni Ilocos Norte PNP Spokesman P/Chief Insp. Dexter Corpuz na dinampot ng mga pulis si Army Sgt. Rex Palattao, 37, na nagpa­putok gamit ang cal.45 pistol sa Barangay Sagpatan sa bayan ng Dingras pagsapit ng Bagong Taon.

vuukle comment

INDISCRIMINATE FIRING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with