^

Probinsiya

Mister na may ‘warrant’, nag-suicide

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinaniniwalaang depresyon ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 30-anyos na mister matapos itong magbaril sa sentido sa harap mismo ng kanyang misis at apat na anak sa kanilang bahay sa Zone 6, Barangay San Juan, San Jose City sa Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktimang magsasaka na si Michael Bucago y Domingo na sinasabing may nakabinbing warrant of arrest sa kasong kriminal. Ayon sa pulisya, umuwing senglot ang biktima kung saan sinalubong ng kanyang misis at mga anak noong Sabado ng gabi. Sandaling nag-usap ang mag-asawa kung saan sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nagbaril sa ulo ang biktima. Narekober ng pulisya ang ginamit ng biktima na improvised cal.5.56 mm at basyo ng bala.

vuukle comment

SAN JOSE CITY

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with