^

Probinsiya

Ret. sundalo lunod sa pangangahoy

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Ret. sundalo lunod sa pangangahoy
Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Leon Rafael, Isabela police director, nakilala ang biktima na si Ret. M/Sgt. Lito Atuan ng nasabing lugar. Nabatid na nakaugalian na ni Atuan ang sumama sa kanyang mga kanayon na magsalba ng mga inanod na punungkahoy sa ilog matapos itong tangayin ng agos mula sa bundok tuwing natatapos ang bagyo.
File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bagama’t nalampasan ang hagupit ni supertyphoon Lawin, hindi nakaligtas kay kamatayan ang 65-anyos na retiradong sarhento ng Army matapos itong malunod nang tangayin ng rumaragasang agos sa ilog habang nangangahoy sa Barangay San Rafael, bayan ng Santa Maria, Isabela kamakalawa. ?Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Leon Rafael, Isabela police director, nakilala ang biktima na si Ret. M/Sgt. Lito Atuan ng nasabing lugar. Nabatid na nakaugalian na ni Atuan ang sumama sa kanyang mga kanayon na magsalba ng mga inanod na punungkahoy sa ilog matapos itong tangayin ng agos mula sa bundok tuwing natatapos ang bagyo. Nauna nang nagbabala si Isabela Governor Faustino Dy III laban sa pangu­nguha ng inanod na kahoy na karaniwang sanhi ng kamatayan pagdaan ng bagyo sa nasabing lalawigan.

vuukle comment

ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with