^

Probinsiya

Lider, 2 alalay sa drug trade, minasaker

SPYBITS - Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlong miyembro ng drug group na nakabase sa Caloocan City matapos itong sakalin ay pinako pa sa ulo ng mga tauhan ng isang trader sa Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Magalang sa Pampanga noong Biyernes ng gabi.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Jhoanna Poncesa-Rosales, hepe ng Magalang PNP, kinilala ang tatlo na sina Mark Gil “Buboy” Ramos, 36, lider ng J&B Drug Group na nakabase sa Caloocan City; Jessie Miranda, 29; at Ariel Adriano, 40, mga nakatira sa Nueva Ecija na kapwa alalay ni Ramos sa drug trade.

Samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang isa pang aide ni Ramos na si Ferdinand Talens, 50, ng Nueva Ecija.

Nabatid na ang nasabing grupo ay pinamumunuan nina Ramos at isang PO1 Jun Engalla ng Caloocan City PNP na sinasabing nasakote sa buy-bust operation sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija may dalawang taon na ang nakalipas.

Natagpuan ang bangkay nina Ramos at Miranda sa compartment ng pulang Toyota Vios na may plakang ABO-4431 habang si Adriano ay nasa passenger seat na nakagapos ang mga kamay na may balot ng packaging tape ang mga mukha na may nakabaong pako sa mga ulo nito.

Si Talens na himalang nakaligtas sa matiyak na kamatayan ay nagpatay-patayan na katabi ni Adriano.

Sa salaysay ni Talens sa pulisya, inimbitahan sila na makikipagkita sa kaibigang  trader na may alyas Mike sa isang farm para bumili ng sa­sabunging manok.

Gayunman, ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang limang kalalakihan na armado ng matataas na kalibre ng baril saka sila iginapos sa bahagi ng bahay-kubo at isinagawa ang pagpatay.

Nagpatay-patayan lang si Talens kaya ito nakaligtas saka humingi ng tulong sa ilang residente.

Naging positibo naman ang mga sinabi ni Talens sa pulisya matapos na matagpuan sa nasabing farm ang mga ginamit sa pagpatay sa mga biktima.

 

vuukle comment

MASAKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with