^

Probinsiya

Trak vs van: 1 tigok, 8 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 38-anyos na driver habang walo naman ang nasugatan makaraang salpukin ng trak ang kasalubong na pribadong van sa kahabaan ng Hugo Perez Highway sa Trece Martirez City, Cavite kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang namatay na driver ng trak na si Robenson Cablino ng Barangay San Nicolas sa bayan ng Gapan, Nueva Ecija.

Sugatan naman ang driver ng van na si Antonio Ebona at ang mga pasahero nitong sina Alex Andren, Aljur Andren, Perlinda Sumabong, Mark Anthony Ebonia, Antonio Bonia, Oliver Magbutay, Nlisa Tubong-bayan, mga nakatira sa Brgy. Hugo Perez sa nasabing lungsod.

Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, magkakasamang lulan ang walong biktima sa puting van (AAL4760) na minamaneho ni Ebona nang salpukin ng trak  (XHM828) ni Cablino.

Gayunman, tumalon mula sa trak ang driver subalit nasagasaan ito ng hulihang gulong ng kanyang trak.

vuukle comment

BICOL

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with