^

Probinsiya

15 kabataan binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinaras at binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang 15 kabataang Pinoy na nagtangkang itayo ang bandila ng Pilipinas bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Scarborough Shoal sa karagatang sakop ng bayan ng Masinloc, Zambales kamakalawa.

Kilala bilang Panatag Shoal ang Scarborough Shoal na saklaw ng 200 exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay ina­angkin din ng China 

Kinumpirma ni Atty. Joy Ban-eg na kasama ng 15 kabataang Pinoy sa grupong “Kalayaan Atin Ito” ang naglayag kasama rin ang isang American vo­lunteer patungo sa Scarborough Shoal.

 “Five Chinese Coast Guard vessels arrived and surrounded us. It lasted for four hours, there was stand off for four hours there. They prevented us and told us that the lake belongs to China,” pahayag ni Atty. Ban-eg.

Ilang kabataang Pinoy ang lumangoy bitbit ang bandila ng Pilipinas para itayo sa bahagi ng Scarborough Shoal pero binomba sila tubig ng Chinese Coast Guard.

Nabatid na kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan noong Hunyo 12 ay tinangka ng mga kabataang makabayan na iwagayway at itayo ang bandila ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Ang nasabing grupo ng kabataan ay dating nag­layag sa Pag-asa Island sa Palawan na kabilang sa teritoryo na inaangkin din ng China sa West Philippine Sea.

Nabatid na ikinaalarma naman ng pamahalaan ang insidente dahil maaari itong pagsimulan ng komprontasyon sa pagitan ng bansa at ng China at makaapekto sa reklamo ng Pilipinas sa United Nations Arbitral Tribunal.

Kaugnay nito, sinabi naman ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na anumang isyu na may kinalaman sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ay saklaw ng Department of Foreign Affairs.

vuukle comment

KALINGA

MARIJUANA PLANTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with