Drug peddler utas sa shootout
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus na drug peddler matapos itong makipagbarilan sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Sillawit, Cauayan City, Isabela kamakalawa. Ayon kay P/Supt. Engelbert Soriano, hepe ng Cauayan City PNP, nakipaghabulan pa sa loob ng subdivision ang mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa suspek na si Arvin Tamayao ng Barangay Alinam saka nakipagbarilan. Gayunman, walang nagawa ang mga awtoridad kundi makipagbarilan kay Tamayao sa tapat ng bahay ni dating konsehal Ruben Tumbaga. Narekober naman ang limang plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at ang cal. 22 revolver na ginamit nito sa shootout.
- Latest