^

Probinsiya

Tomboy inaway ng gf, nagbigti

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang naninibughong 33-anyos na umano’y tomboy ang nagbigti matapos siyang awayin ng kinakasamang babae na pinaghihinalaan niyang may kalaguyo sa Barangay San Felipe, Ilagan City, Isabela kamakalawa. ?

Kinilala ni Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City PNP ang biktima na si Christina Templanza, ng nasabing lugar.?

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng matinding pag-aaway ang tomboy at kinakasamang si Nelda Legaspi, 52, kaugnay sa panlalamig ng kanilang relasyon at sa hinalang may nagugustuhan ng iba ang huli.?

Ayon sa report, dakong alas 9:00 ng umaga iniwan ni Legaspi ang karelasyon na naglalasing subalit nakabitin na ito sa kisame na lawit pa ang dila nang balikan niya sa kuwarto nito ng bandang tanghali.?

Isinugod ng mga sumaklolo ang biktima sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital subalit idineklarang patay ng manggagamot.

vuukle comment

POLICY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with