^

Probinsiya

25 Chinese fishermen tiklo sa Coast Guard

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Dalawang Chinese fishing vessel na may 25 tauhan ang dinakip ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries (BFAR) sa Balintang Channel.

Nadakip ang mga mangingisda sa layong 12 nautical miles sa timog-kanluran ng Sabtang Island sa Batanes bandang alas-4 ng hapon kahapon.

Patungo sana ng Basco, Batanes ang barko ng BFAR nang maharang ang mga Tsino na sakay ng barkong may nakabaligtad na watawat ng Pilipinas.

Paliwanag ng mga mangingisda ay papunta sana sila sa kanilang pangingisdaan ngunit wala silang mapakitang papeles upang makadaan sa teritoryo ng Pilipinas.

Dinala na ang mga nadakip sa headquarters ng BFAR sa Basco. Humiling na rin sila sa Department of Foreign Affairs ng interpreter upang maintindihan ang sinasabi ng mga mangingisda.

Kung mapatunayang sila ay poachers ay magmumulta sila ng $500,000 hanggang $1 million. Bukod dito ay kukumpiskahin din ang kanilang fishing vessels.

Nitong nakaraang linggo ay tatlong Vietnamese fishing boats  ang inaresto sa Calayan Island, Cagayan dahil sa poaching.

vuukle comment

A CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with