^

Probinsiya

Mag-asawa, anak utas sa military truck

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawa at kanilang anak makaraang salpukin ng military truck ang sinasakyang motorsiklo sa kurbadang kalsada sa Barangay Looy, bayan ng South Upi, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina JP Meria, Cristina Meria, at ang kanilang anak na si Yassy Meria, mga nakatira sa Barangay Burungutan sa nasabing bayan.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng KM35 truck na si Pfc. Alexis Nadal.

Sa police report na nakara­ting kay P/Chief Insp. Roel Villarin, hepe ng South Upi PNP, pauwi na ang mga biktimang lulan ng motorsiklo mula sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat nang araruhin ng KM35 military truck ng Marine Battalion Landing Team (MBLT-5) na minamaneho ni Nadal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na inukopa nang truck ng mga sundalo ang blind curve ng kalsada hanggang sa mabangga ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima.

Sinasabing accident prone area ang nasabing lugar kung saan karamihan ay kahalintulad na aksidente ang nagaganap.

Agad namang nagpa­abot ng tulong sa pamilya ng mga biktima ang pamunuan ng MBLT-5.

vuukle comment

ACIRC

ALEXIS NADAL

ANG

BARANGAY BURUNGUTAN

BARANGAY LOOY

CHIEF INSP

CRISTINA MERIA

MARINE BATTALION LANDING TEAM

ROEL VILLARIN

SOUTH UPI

SULTAN KUDARAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with