^

Probinsiya

Bata hinostage, tinutukan ng tinidor sa mata sa Pampanga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ng isang bata matapos gawing hostage ng isang lalaki sa loob ng isang Chinese fast food chain sa Angeles, Pampanga.

Ayon sa ulat, tahimik na kumakain ang isang pamilya sa loob ng fast food chain nang biglang pumasok ang suspek at kinuha ang bata.

Nakakuha ng tinidor ang suspek na itinutok sa mata ng batang lalaki matapos tumaas ang tensyon sa kainan.

Kaagad rumesponde ang mga pulis na binaril sa balikat ang hindi pa nakikilalang suspek.

Ligtas naman ang biktima, habang isinugod sa ospital ang suspek.

Sa isang video na inilabas ni Erica Joy Guico Bravo sa Facebook ay kita kung paano nagtago sa likod ng bitkima ang suspek habang nakaamba ang tinidor sa mata.

Ayon sa caption ni Bravo ay nagtamo ng galos sa mata ang batang biktima.

 

First time ko makaencounter ng hostage taking (Chowking Maingate) Yung tipong kakadating palang ng order namen tapos may biglang nagtakbuhan palabas. kuya!!! Ang tibay mo kuya!!! mananaksak ka pa ng tinidor sa mata ng bata. kingna ka kapatid pa ng kaibigan kooooo!!!!! ok naman na yung bata medyo may galos malapit sa mata pero shit ka natrauma yung bata.

Posted by Erica Joy Guico Bravo on Tuesday, December 29, 2015

 

vuukle comment

ANG

AYON

CHOWKING MAINGATE

DIV

ERICA JOY GUICO BRAVO

FACEBOOK

KAAGAD

LIGTAS

NAKAKUHA

PAMPANGA

QUOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with