^

Probinsiya

Nanalo sa karera ng motorbike, itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Sa halip na magbayad, saksak ang ibinayad ng isang obrero sa binatang tumalo sa kanya sa karera ng motorsiklo sa Barangay San Roque, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi.

Patay agad sa dalawang tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Sherwin Sanggalang, 24, habang tumakas naman ang suspek na si Jaime Panganiban Jr. ng Barangay Janagdong 2 sa nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:45 ng gabi ay naglaban sa karera ng motorsiklo ang grupo ng suspek at biktima kung saan ay tinalo ang una.

Humingi umano ng rematch ang suspek subalit hindi na pumayag ang biktima at sa halip ay sinabing sa ibang araw na lamang.

Nang hingin na ng biktima ang perang napanalunan sa karera ay patalim ang binunot ng suspek saka inundayan ng saksak ang una saka tumakas kasama ang kanyang grupo.

vuukle comment

ANG

BARANGAY JANAGDONG

BARANGAY SAN ROQUE

HUMINGI

JAIME PANGANIBAN JR.

NANG

PATAY

QUEZON

SARIAYA

SHERWIN SANGGALANG

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with