^

Probinsiya

Natuluyan sa ika-4 na pagkakataon… Lola sinilaban ang sarili

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Natuluyan sa ikaapat na tangkang pagpapakamatay ang isang 67-anyos na lola nang silaban nito ang kanyang sarili dahil sa hindi makayanang depresyon sa pagkamatay ng kanyang anak sa Sitio Dana, Brgy. Manga, Peñablanca, Cagayan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Jonalyn Tecbobolan, hepe ng PNP Peñablanca ang biktima na si Martina Furigay.

Sa ulat na natanggap nito na nakita na lamang ng mga kapitbahay na nag­liliyab na gumagapang sa lupa si Furigay na nagtamo ng second degree burn sa buong katawan.?

Nabatid na unang nagtangkang maglaslas ng sariling leeg, uminom ng chlorox at maligo ng kumukulong tubig ang biktima na laging naaagapan dahil nagkataon na nandoon ang mga kaanak nito.

Ngunit sa ikaapat na pagkakataon ay wala sa bahay ang mga kaanak kaya’t nagawa nitong magpakamatay.

Ayon sa mister ng biktima na natagpuan niyang said ang kanilang lalagyan ng gasolina na halos anim na litro ang laman na siyang ibinuhos ng asawa at silaban ang sarili.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BRGY

CHIEF INSP

FURIGAY

JONALYN TECBOBOLAN

KINILALA

MARTINA FURIGAY

SITIO DANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with