^

Probinsiya

P.700-M cash na napulot isinauli sa Aussie guest

Pilipino Star Ngayon

MABALACAT CITY, Pampanga, Philippines – Muling nasilayan ng 60-anyos na turistang Australyano ang nawawalang P.700 milyong cash at mga mamahaling gamit na naiwan sa tinuluyang hotel  makaraang isauli ng 23-anyos na room attendant ng Hotel Sogo sa Barangay Dau, bayan ng Mabalacat, Pampanga noong Martes ng umaga.

Sa report ni Mhar de Jesus, branch manager ng Hotel Sogo Dau branch, kinilala ang tinaguriang “Good Samaritan” na si Jade Anunciacion ng Dau Homesite sa nabanggit na bayan.

Base sa ulat, lumilitaw na nag-checkout sa nasabing hotel ang turistang Australian na tumangging ipabanggit ang pangalan noong Martes ng umaga (Nob. 3, 2015) kung saan sa hindi inaasahang pagkakataon ay naiwan nito ang bag na naglalaman ng isang IPad, cellphone, gintong relos, P.700 milyong cash at iba ‘t ibang personal na gamit.

Nagkataon namang si Anunciacion ang room attendant sa tinuluyan room ng nasabing turista kung saan imbes pag-interesan ay kaagad na ipinagbigay-alam nito sa pamunuan ng Hotel Sogo Dau.

Kinabukasan ay bumalik ang nasabing turista kung saan naibalik ang kanyang bag na naglalaman ng mala­king halaga at iba pang ari-arian.

“Thanks to Mr. Jade Anunciacion, the room attendant who found the bag inside the room and turn overed the same to the management of Hotel Sogo Dau,” pahayag ng nasabing Australyanong guest

Bibigyan ng parangal at pagkilala si Anunciacion ng pamunuan ng Hotel Sogo Dau kung saan ililipat sa mas mataas na posisyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANUNCIACION

BARANGAY DAU

DAU HOMESITE

GOOD SAMARITAN

HOTEL

HOTEL SOGO

HOTEL SOGO DAU

JADE ANUNCIACION

MR. JADE ANUNCIACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with