^

Probinsiya

Preso nagpakagutom hanggang mamatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang suspek sa kasong frustrated murder ang nasawi matapos magpakagutom dala ng kaniyang depresyon, ayon sa mga awtoridad.

Nakilala ang nasawing preso na si Laurencio Umpay na hindi kinakain ang rasyong pagkain dahil sa pinagdaraanang depresyon dahil sa hindi pagbisita ng kaniyang mga kamag-anak.

Sa ospital na binawian ng buhay si Umpay matapos isugod sa ng mga kawani ng Makilala municipal ng North Cotabato.

Ayon kay jail warden Inspector Renz Joseph Baskogen, napagdesisyunan nilang isugod sa ospital si Umpay matapos makitaan ng sintomas ng diabetic stroke.

Sinabi ni Baskogen na ilang beses nilang kinumbinsi si Umpay na kumain ngunit tumanggi siya.

Noong Abril pa nakulong ang suspek na itinuturong primary suspect sa kasong frustrated murder at mula noong Mayo ay wala nang dumalaw sa kaniya.

 

vuukle comment

AYON

BASKOGEN

INSPECTOR RENZ JOSEPH BASKOGEN

ISANG

LAURENCIO UMPAY

MAKILALA

NAKILALA

NOONG ABRIL

NORTH COTABATO

SINABI

UMPAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with