^

Probinsiya

Sintunadong kumanta, inatado ng saksak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CATANAUAN,Quezon, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang obrero matapos na pagsasaksakin ng senglot na nainis sa sintunadong pagkanta nito sa loob ng videoke bar sa Barangay Tagbacan Ilaya, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa dibdib leeg at braso ay kinilalang si Emar Manosca, 27, may-asawa at residente ng Barangay Cawayanin Ilaya.

Agad namang naaresto ang suspek na si Reynaldo Nocum, nasa hustong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng Manuela Videoke bar ay kuntodo birit umano ng biktima sa awitin na “My love will see you through”.

Nairita ang suspek at sinigawan ang biktima na tumigil, subalit sa halip na huminto ay ipinagpatuloy pa ng huli ang pagkanta,

Sa inis ng suspek ay tumayo ito at nilapitan ang suspek saka inundayan nang sunod-sunod na saksak sa katawan.

vuukle comment

ANG

BARANGAY CAWAYANIN ILAYA

BARANGAY TAGBACAN ILAYA

BATAY

BIKTIMA

EMAR MANOSCA

KASALUKUYANG

MANUELA VIDEOKE

NAIRITA

REYNALDO NOCUM

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with