^

Probinsiya

Bus binomba, 20 pasahero sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

North Cotabato, Philippines - Sugatan ang may 20 katao kabilang ang limang bata matapos na taniman ng bomba at pasabugin ng mga pinaghihinalaang Al-khobar group ang isang pampasaherong bus habang bumabagtas sa bahagi ng Glamang, Polomolok, South Cotabato kahapon ng tanghali.

Sa inisyal na ulat, bigla na lamang umanong sumabog ang nasabing bus ng Yellow Bus Line Inc. na nagmula sa Tupi, South Cotabato na may biyaheng General Santos mula sa ikapitong upuan sa kanang bahagi nito.

Nasa 34 katao umano ang sakay ng naturang bus nang maganap ang pagsabog.

Ayon kay P/Sr. Supt Jose Arnaldo Briones Jr., provincial director ng South Cotabato PNP, nakatanggap ang sekretarya ng YBL mula sa nagpakilalang grupo ng Al-khobar bago ang pagpapasabog sa bus.

Agad umanong ipinagbigay-alam ng nasabing kumpanya ng bus sa EOD team ang tawag upang maagapan ito dahil inihayag mismo ng caller na may itinanim na bomba sa bus na may body number 2008. Gayunman, ilang minuto lamang makaraan ang tawag ay sumabog na ang bumibiyaheng bus.

Nakita ng mga awtoridad na gawa umano sa granada na inimprovised at nilagyan ng cell phone bilang triggering device ang kanilang nakita sa bus. Taliwas naman umano ito sa trademark ng grupo na malakas na pasabog ang ginagamit.

vuukle comment

ANG

AYON

BUS

COTABATO (NORTH)

GAYUNMAN

GENERAL SANTOS

GLAMANG

NAKITA

POLOMOLOK

SOCCSKSARGEN

SOUTH COTABATO

SR. SUPT JOSE ARNALDO BRIONES JR.

YELLOW BUS LINE INC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with