^

Probinsiya

Maguindanao flashflood, mahigit 150,000 katao apektado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot na sa mahigit 150,000 katao ang apektado ng malawakang flashflood o mga pagbaha sa lalawigan ng Maguindanao sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan umpisa pa nitong nakalipas na linggo.

Sa ulat ni Alex Manuel, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMC), nasa 30,560 pamilya o kabuuang 150,476 katao ang apektado ng mga pagbaha sa 15 bayan ng lalawigan.

Kabilang sa mga apek­tadong bayan  ay  ang Upi, Datu Salibo, Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglat, Ma­ngudadatu, Pandag, Buluan, Talitay, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Kabuntalan, Datu Piang, Sultan sa Ba­rongis at Mamasapano.

Samantalang bunga ng insidente ay nagdeklara ng state of calamity  ang ilang bayan ng Maguindanao .

Kasalukuyan na ring ikinokonsidera ng pamahalaang panlalawigan ng Maguin­danao kung idedeklara sa state of calamity ang buong lalawigan bunga ng matin­ding epekto ng flashflood.

Nabatid  na maging ang mga eskuwelahan, health center at ilang military camps ay apektado rin ng pagbaha sa lalawigan.

Sa kasalukuyan ay pa­tu­loy namang ang assesment ng mga lokal na opisyal sa pinsala ng mga pagbaha sa agrikultura at maging sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga pamil­yang naapektuhan ng mga pagbaha.

Samantala, apektado rin ng mga pagbaha ang lalawigan ng North Cotabato kung saan nagdeklara na ng state of calamity ang mga bayan ng Tulunan, Kabacan at Pikit.

vuukle comment

ALEX MANUEL

DATU MONTAWAL

DATU PAGLAT

DATU PIANG

DATU SALIBO

MAGUINDANAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with