^

Probinsiya

4 bumbero iniimbestigahan sa pagkamatay ng sanggol

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Apat na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nakahimpil sa kinamatayan ng 3-buwang gulang na sanggol sanhi ng ligaw na bala ang iniimbestigahan ng pulisya sa bayan ng Ca­uayan, Ilocos Sur.

Sa pahayag ni Ilocos Sur Provincial Director P/Senior Supt. Jemar Mo­dequillo, kusang pumayag ang mga bumbero na sumailalim sa paraffin test at isuko ang kanilang mga baril.

Ang binuong investigating task force na pinamunuan mismo ni Modequillo kaugnay sa pagkamatay ng sanggol na si Vhon Alexander Antero (hindi Llagas gaya ng unang ulat) ng Barangay Anonang kung saan tinamaan ng ligaw na bala.

Matatandaan na na­tutulog ang sanggol katabi ng kanyang ama na si Valeriano, isang construction worker­ nang tumagos sa kanilang bahay ang hindi pa nalalamang kalibre ng baril na tumama sa ulo nito noong kasadsaran ng putukan ng Bagong Taon.

Sinabi ni Modequillo na ipinag-utos nito ang census at pagsisiyasat sa iba pang kagawad ng pulisya, military, mga sekyu at firearms holder na naninirahan sa loob ng 150-metro mula sa crime scene.

Nangako rin si Anonang Chairperson Gondalina Tugade na tumulong sa imbestigasyon upang matukoy sa kanyang barangay ang trigger happy gunman.

Naunang nagpalabas ng P250,000 pabuya si Gob. Ryan Singson para sa anumang impormas­yon para matukoy ang suspek.

vuukle comment

ANONANG CHAIRPERSON GONDALINA TUGADE

BAGONG TAON

BARANGAY ANONANG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR PROVINCIAL DIRECTOR P

JEMAR MO

MODEQUILLO

RYAN SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with