^

Probinsiya

Kagawad pinugutan sa harap ng misis, anak

Raymund Cantindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Isang 58-anyos na Barangay kagawad ang pinagtulungang saksakin at pugutan ng ulo sa harapan ng kanyang misis at anak ng mga pinaniniwalaang miyembro ng carnapping syndicate sa Brgy. Zone 3 Hacienda, Baggao, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Amado Orpilla, ng Baggao Police ang nasawing kagawad na si Jeremias Leones.

Sa pagsisiyasat, nagres­ponde umano ang biktima sa ulat na mayroong itinatagong nakaw na motorsiklo sa kanyang hurisdiksyon  kung kaya’t napasugod ito sa lugar kasama ang kanyang misis na si Marcelina at binatang anak na si Joey.

Bago pa man makalapit ang biktima sa mga suspek ay agad siyang dinumog ng grupo at mabilis na inundayan ng taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi pa umano nakuntento ang mga salarin at pinugutan ng ulo ang biktima kung saan ay balat na lamang ang natitirang parte ng laman ang nag-uugnay sa ulo nito at katawan.

Ayon kay Orpilla, nakilala ng anak ni Leones na siyang saksi sa pagpatay sa kanyang ama ang mga suspek na sina Joefrey Taguibao 36, isang tricycle driver; Jomar Dumayag, 27, magsasaka at isang nakilalang Albert Gamat na pawang kanayon ng biktima.

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong murder ay pinaniniwalaang nagtatago ngayon sa kagubatan ng Sierra Madre matapos silang tumakas sa direksiyon ng masukal na Sitio.

vuukle comment

ALBERT GAMAT

AMADO ORPILLA

AYON

BAGGAO

BAGGAO POLICE

JEREMIAS LEONES

JOEFREY TAGUIBAO

JOMAR DUMAYAG

SIERRA MADRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with