^

Probinsiya

Nakabitiw sa tiyuhin… 3-anyos nilamon ng tubig-baha

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 3-anyos na batang lalaki matapos itong makabi­tiw sa kanyang tiyuhn at malunod sa tubig-baha sa Barangay Malagasang II-E sa Imus City, Cavite kamakalawa ng madaling-araw.

Ilang oras bago pa ma­tagpuan ang bangkay ng biktimang si Constantine Hernandez ng nasabing barangay.

Sa ulat ni P01 Merli­ta Bianes, bandang alas-4 ng madaling-araw, nang magpasyang lumikas ang mga residente kasama ang pamilya ng biktima ma­tapos tumaas ang tubig-baha hanggang dibdib.

Nabatid na pasan-pa­san ng tiyuhing si Moses Modesto ang biktima kung saan lumusong sa tubig-baha upang magtungo sa evacuation center.

Subalit sa lakas ng agos ng tubig-baha ay aksidenteng nakabitiw at nahulog ang biktima sa tubig-baha hanggang sa tangayin ng rumaragasang agos.

Gayon pa man, sinikap na sagipin ng tiyuhin at ilang residente ang biktima subalit mabilis na nilamon ng tubig-baha kung saan natagpuan naman matapos lumutang ang bangkay nito.

vuukle comment

BAHA

BARANGAY MALAGASANG

BIANES

CAVITE

CONSTANTINE HERNANDEZ

GAYON

ILANG

IMUS CITY

MOSES MODESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with