^

Probinsiya

Tilapia industry bubuhayin

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA , Philippines   - Nakatututok ngayon ang bagong alkalde ng Candaba, Pampanga na buhayin ang lumubog na industriya ng tilapia sa Gitnang Luzon bilang bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan ng pagbibigay pagkain sa taumbayan.

Ito ang inihayag ni Candaba, Pampanga Mayor Rene Estacio Maglanque sa ginanap na panunumpa kahapon sa Genuino Park sa harap ni Senator-elect Grace Poe.

Ayon kay Maglanque, minsan nang itinuring ang bayan ng Candaba na na­ngunguna sa tilapia industry sa Gitnang Luzon su­balit ngayon ay unti-unting namamatay sa paglipas ng mga taon.

Naniniwala naman ang alkalde na hindi pa huli ang lahat at muling sisigla ang kabuhayan sa tilapia farming kung saan makikipag-ugna­yan ang lokal na pamahalaan sa Bureau of Fisheries at Aquatic Resources (BFAR), at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Plano ring magtayo ng national road na kokonekta sa Poblacion ng Candaba sa ibang barangay, pabahay sa mga kawani ng pamahalaan at pampublikong pagamutan.

Si Maglanque ng Liberal Party ay naging miyembro ng Sangguniang Bayan ng Candaba noong 1992 at Sangguniang Panlalawigan noong 1998.

vuukle comment

AQUATIC RESOURCES

BUREAU OF FISHERIES

CANDABA

GENUINO PARK

GITNANG LUZON

GRACE POE

LIBERAL PARTY

PAMPANGA MAYOR RENE ESTACIO MAGLANQUE

SANGGUNIANG BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with