^

Probinsiya

BJMP mananagot sa pagkamatay ng witness

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Namemeligrong masam­pahan ng kasong administratibo ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakatalaga sa district jail ng Lucena City, Quezon kaugnay ng kuwes­tiyonableng pagkamatay ng state witness na sinasabing isa sa mga killer ng brodkaster na si Gerardo ”Doc Gerry” Ortega.

Ayon kay PNP spokesman P/Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ito’y matapos na hindi makasunod sa standard operating procedure ang BJMP nang matagpuang patay sa loob ng kulungan si Dennis Aranas.

Si Dennis Aranas ang sinasabing lookout sa ambush-slay ni Ortega  na pinagbabaril sa Puerto Princesa City noong Enero 2011.

“Dapat magpaliwanag ang mga opisyal at tauhan ng Quezon District Jail matapos na hindi agad i-report sa PNP ang pagkamatay ni Aranas na umano’y nag-suicide sa selda,” pahayag ni Cerbo.

Noong Martes ng umaga ay nadiskubre ng mga jailguard ang pagpapatiwakal ni Aranas kung saan ito nagbigti sa loob ng selda gamit ang strap ng shoulder bag.

Subalit nai-report ang insidente sa pulisya bandang alas-5 ng hapon matapos na magreklamo ang pamilya ni Aranas.

Gayon pa man pinuntahan ng pulisya ang bilangguan pero wala na ang bangkay ni Aranas dahil dinala na sa morgue at bukod dito ay nilinis na rin ang selda nito.

Isinasailalim na sa post-mortem examination ang bangkay ni Aranas upang matukoy kung positibong may foul play.

Samantala, nangangamba naman si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn sa buhay ng ikatlong witness sa Ortega slay na si Rodolfo “Bumar” Edrad dahil sa pagkamatay ni Dennis Aranas sa Lucena Provincial Jail sa Quezon.

Ayon kay Hagedorn, si Edrad ay pangunahing witness dahil siya ang nagbigay ng baril para patayin si Ortega.

“Pag nawala pa si Bumar, tapos na ‘yung kaso kasi siya ang nagturo kay Joel Reyes,” dagdag pa ni hagedorn

vuukle comment

ARANAS

AYON

BUMAR

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHIEF SUPT

DENNIS ARANAS

DOC GERRY

EDRAD

ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with