^

Probinsiya

Gus Abelgas inakyat-bahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabiktima ng notoryus na Akyat-Bahay Gang ang beteranong Scene of the Crime Operatives (SOCO) reporter ng ABS-CBN Channel 2 at Pang Masa columnist  matapos pasukin  ang kanilang tahanan sa Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa.

Ayon sa salaysay ni Gus Abelgas sa mga kasamahang mamamahayag sa Camp Crame, posibleng naganap ang panloloob sa Bel Air 4, Sta. Rosa City sa pagitan ng ala-1:30 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Winasak ang lahat ng doorknob mula gate hanggang sa lahat ng parte ng bahay kabilang sa ebidensyang nakita sa crime scene.

Tanging caretaker lamang na apat na taong naninilbihan sa pamilya Abelgas ang nagbabantay sa kanilang bahay dahil sa  Quezon City naglalagi ang pamilya at  umuuwi lamang tuwing weekend.

Nabatid na nagpaalam ang kanilang caretaker  kung saan umalis ng alauna ng hapon at bandang alas-10 na ng gabi nakabalik sa binabantayang bahay ng veteran reporter.

Samantala, nadiskubre naman ang nakawan ng pag-uwi ng caretaker ay bukas na ang gate, magulo at kalat-kalat ang mga gamit sa bahay habang ang ilang gamit tulad ng television, LPG tank at iba pang mga gamit sa kuwarto ay nakitang nakalagay sa bahay kubo na pahingahan ng pamilya Abelgas.

Ayon sa salaysay ng mga guwardiya, napansin nilang may puting L 300 van (ZBE 699) ang pumasok sa subdibisyon at nag-iwan ng lisensyang may pangalang Anthony Andrade na lumabas at hindi na binalikan ang lisensya.

Pinaniniwalaang na pipick-apin sana ang mga kagamitan pero inabandona matapos di-dumating ang sasakyan kung saan ayon kay Abelgas ay maaring nagdalawang isip ang mga kawatan nang makita ang larawan niya kasama ang pamilya sa loob ng kanilang tahanan.

vuukle comment

ABELGAS

AKYAT-BAHAY GANG

ANTHONY ANDRADE

AYON

BEL AIR

CAMP CRAME

GUS ABELGAS

PANG MASA

QUEZON CITY

ROSA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with