^

Probinsiya

Away ng nanay at kuya 'di kinaya..., 12-anyos nene nagbigti

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 12-anyos na nene na sinasabing naghinanakit sa away ng kanyang ina at kuya makaraang magbigti sa bakanteng lote sa Barangay Siba-o sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Bandang ala-1:00 ng hapon nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Erika San Agustin, Grade 6 pupil at residente ng Barangay Binaliw ng nasabing bayan.

Sa police report, lumilitaw na bago ang insidente ay nasambit ng biktima sa kanyang pinsan na handa siyang mamatay padre maayos lang ang problema ng kanyang ina at nakatatandang kapatid na lalaki.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang ina at kuya sa hindi nabatid na dahilan kung saan naghinanakit ang biktima at sa pag-aakalang ‘di mareresolba ang alitan ay nagpakamatay ito.

ALBAY BANDANG BARANGAY BINALIW BARANGAY SIBA CALABANGA CAMARINES SUR ERIKA SAN AGUSTIN INA KUSANG NABATID
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with