Xmas bombing: Pari, 8 pa sugatan
- Joy Cantos () - December 26, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines –  Siyam katao kabilang ang isang pari ang na­sugatan matapos sumabog ang bomba na hinihinalang itinanim ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang simbahan sa ka­sagsagan ng misa para sa pagdiriwang ng Pasko nitong Sabado ng umaga sa Jolo, Sulu. 

Sa press briefing sa Camp Crame kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang mga nasugatang biktima na sina Fr. Rick Bacolcol; mga sibilyang sina Emma Tan, 29; Antonette Quinones, 22; Dra. Mariane Lao, Joshua Quibong, 16; Noel Indana, 33; Johnny Chang, 50; Krishalan Carlos, 24; Anna Marie Gunacal, 9-taong gulang. 

Nabatid na dakong alas-7:15 ng umaga habang nagmimisa si Fr. Bacolcol ng biglang sumambulat ang bomba na itinanim sa rooftop ng Evangelical Chapel sa Camp Asturias, Jolo, ang kapitolyo ng lalawigan. Ang nasabing simbahan ay may ilang metro lamang ang layo sa himpilan ng pulisya sa Jolo. 

Bunga ng insidente, ayon sa opisyal ay nawasak ang kisame ng nasabing simbahan na ikinasugat ng mga biktima na mabilis namang isinugod sa In­tegrated Provincial Health Office (IPHO) sa Jolo.

Sa kasalukuyan,wala pang malinaw na mga suspek sa insidente pero hindi inaalis ng mga awtoridad na kagagawan ito ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na may ugnayan sa Jemaah Islamiyah (JI) terrorist dahilan ang Sulu ay balwarteng lugar ng grupo. 

Kinondena naman ng Malacañang ang naganap na pagpapasabog sa mismong araw pa ng Pasko na dapat sana ay sama-sama sa kapayapaan ang mga Pinoy.

ABU SAYYAF GROUP AGRIMERO CRUZ JR. ANNA MARIE GUNACAL ANTONETTE QUINONES CAMP ASTURIAS CAMP CRAME EMMA TAN JOLO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with