3 alkalde kasabwat sa smuggling: P54-milyong kontrabandong ginto nasabat
- Ni Victor Martin () - September 29, 2010 - 12:00am

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tinatayang aabot sa P54 milyong tole-tolenadang mine tailings at mga raw mineral na pinani­niwalaang tangkang ipuslit palabas ng nabanggit na lalawigan ang nasabat ng pulisya sa inilatag na check­point sa Barangay Magsay­say sa bayan ng Bayom­bong, Nueva Vizcaya no­ong Linggo ng tanghali.

Ayon sa pulisya, ang kontrabando na nagtatag­lay ng ginto, tanso at manganese ay nakalagay sa loob ng 20-wheeler na truck na may plakang BUB 698 na sinasabing patungong Maynila nang maharang sa checkpoint sa pangunguna nina P/Supt Melchor Ca­balza at Danilo Fernandez ng Environment Natural Resources Office.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Elmer Beltejar, umaabot sa 40 tonelada (40,000 kilograms) ang kontrabando ay pinaniniwalaang ipinagbibili sa ibang bansa sa halagang US$30 kada kilo na mala­yong mas mataas kumpara sa P30 per kilo na ibina­bayad sa mga local miner.

Base sa isiniwalat ng source, tatlong alkalde at ilang opisyal ng pulisya na pansamantalang hindi ibi­nunyag ang mga pangalan ang nasa likod ng iligal na transportasyon at pagmi­mina sa Barangay Didipio ng Kasibu at Runruno, Quezon.

Naunang inatasan ni Nueva Vizcaya Gov. Luisa Lloren Cuaresma ang ka­pulisan at environment personnel na arestuhin ang mga nagpupuslit ng mine tailings maging ang mga iligal na minero sa mga minahan sa buong la­lawigan.

BARANGAY DIDIPIO BARANGAY MAGSAY DANILO FERNANDEZ ELMER BELTEJAR ENVIRONMENT NATURAL RESOURCES OFFICE LUISA LLOREN CUARESMA NUEVA VIZCAYA NUEVA VIZCAYA GOV SENIOR SUPT SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with