^

Probinsiya

Kakandidatong baran­gay chairman inambush

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisi­mula ang campaign period, isang dating Barangay Chairman na kakandidato muli sa posisyon sa baran­gay elections sa Oktubre 25 ang nasugatan maka­raang pagbabarilin ng hindi na­kilalang armadong lalaki sa bayan ng Bugallon, Panga­sinan kamakalawa.

Isinugod sa Trauma Hospital sa Dagupan City ang biktimang si Mario Uson, 55, dating Brgy. chair­man ng Bongalon.

Batay sa ulat na na­karating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente sa kahabaan ng national highway sa hang­ganan ng Brgys, Magsay­say at Bongalon dakong alas-6:30 ng umaga.

Kasalukuyang lulan ang biktima ng kaniyang motor­siklo ng pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na mag­kaangkas sa motorsiklo na armado ng cal. 45 pistol.

Pinaniniwalaan na­ mang may kinalaman sa nalalapit na eleksyon ang insidente habang patuloy ang im­bestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN

BATAY

BONGALON

BRGY

BRGYS

CAMP CRAME

DAGUPAN CITY

MARIO USON

SHY

TRAUMA HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with