^

Probinsiya

Lady drug trafficker tiklo sa P5-milyong cocaine

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ope­ra­­tiba ng pulisya ang isang pinaghihinalaang notoryus na drug trafficker kasunod ng pagkaka­ samsam ng P5 M halaga ng cocaine sa isinaga­wang entrapment operation sa Angeles City, Pam­panga nitong Hu­webes.

Batay sa report, kini­ lala ni PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., ang nasakoteng suspect na si Rizza Badillo, 29-anyos.

Sinabi ni Cruz na ang suspek ay nasakote ng mga elemento ng Angeles City Police sa inilatag na entrapment operation sa harapan ng Savers Mall, Balibago ng lungsod na ito bandang alas-3 ng hapon.

Bago ito ay naka­tang­gap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa illegal aktibidades ng na­sabing suspek na sangkot sa pagbebenta ng cocaine.

Agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng pulisya at nasakote ang suspek sa aktong iniaabot sa poseur buyer ang 1 kilo ng cocaine.

Inihahanda na ang pag­sasampa ng kasong kri­minal laban sa nasa­koteng suspek na patuloy na iniimbestigahan sa District Enforcement Unit (DEU) ng pulisya.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

ANGELES CITY

ANGELES CITY POLICE

BATAY

CRUZ

DISTRICT ENFORCEMENT UNIT

RIZZA BADILLO

SAVERS MALL

SHY

SPOKESMAN SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with