‘Kawatan’ ng metro ng tubig, timbog
() - November 19, 2007 - 12:00am

OLONGAPO CITY  – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 18-anyos na lalaki matapos na maaktuhang nagbe­benta ng nakaw ng metro ng tubig sa Ba­rangay Sta. Rita, Olongapo City ka­ma­kalawa ng hapon. Ki­nilala ni P/Senior Supt. Abelardo P. Villacorta, city police director, ang sus­pek na si Romualdo Pe­tronio ng Purok 3, Abra St., Barangay Bar­retto, Olongapo City. Si Petro­nio ay dinakip ng mga tauhan ni P/Inspector Norberto S. Mani­nang ng PCP 5 na bitbit ang da­lawang metro ng tubig na ibi­nebenta sa junk shop. Ayon sa pu­lisya, ang suspek ay nasa likod ng mga naka­wan ng metro ng tubig sa nabanggit na barangay. Matapos ma­paulat ang pagkaka­dakip kay Petro­nio ay nagsul­putan na­man sa himpilan ng pu­lisya ang mga re­siden­teng nana­kawan ng metro para maghain din ng rek­lamo. Tugis na­man ng pulisya ang isa pang suspek na si Jude Sang­co, 27, ng Ba­rangay Gordon Heights, Olongapo City. Jeff Tombado

ABELARDO P ABRA ST. BARANGAY BAR GORDON HEIGHTS OLONGAPO PLACE PLACENAME PLACETYPE SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with