^

Probinsiya

Mag-asawa,anak patay sa bangaan ng dyip vs motorsiklo

-
Tatlong miyembro ng pamilya ang kumpirmadong nasawi makaraang salpukin ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima ng dyip sa tulay na sakop ng Barangay Balayhangin, Sinilion, Laguna kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Gen. Cailles Memorial Hospital ang mga biktimang sina Roderick, 29, mekaniko, Ronelda Panuntan at anak na si Princess na pawang residente ng Tambis Street, Tondo, Manila.

Agad naman dinakip ang suspek na drayber ng dyip (DSR 878) na si Divino Lualhati, 27 ng San Jose St., Sampalok, Manila.

Naitala ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa tulay na sakop ng nabanggit na barangay.

May teorya ang pulisya na nawalan ng kontrol ang manibela ng dyip kaya naganap ang malagim na trahedya. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY BALAYHANGIN

CAILLES MEMORIAL HOSPITAL

DIVINO LUALHATI

ED AMOROSO

NAITALA

RODERICK

RONELDA PANUNTAN

SAMPALOK

SAN JOSE ST.

TAMBIS STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with