^

Probinsiya

Mga pampasabog nasamsam sa 5 kuta ng NPA rebels

-
CAMP AGUINALDO – Pinaniniwalaang naudlot ang planong paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) laban sa mga establisamento ng gobyerno makaraang madiskubre ang iba’t ibang uri ng eksplosibo sa limang kuta ng rebelde sa Sitio Bagong Silang, Balbalungao, Lupao, Nueva Ecija kamakalawa.

Base sa nakalap na ulat kahapon sa tanggapan ni Army chief Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr., bandang alas-4 ng hapon nang isagawa ang pagsalakay sa limang kuta ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Narekober ng mga tauhan ng Army’s 702nd Brigade ang 1.5 kilong C4 na kayang lusawin ang mataas na gusali; 1/4 libra ng TNT (trinitrotoluene), siyam na pirasong electronic blasting caps, kahon ng lighter fuse, 23 metro ng electronic detonating cord at light machinegun.

Ayon pa sa ulat na bago pa salakayin ang naturang kuta ay nakatanggap ng impormasyon ang militar mula sa kanilang civilian asset na may itinatagong mga eksplosibo ang mga rebelde sa limang kuta sa nabanggit na barangay.

Pinaniniwalaan naman mabilis na inabandona ng grupo ni Ka Donna na nagbabantay sa limang kuta matapos na matunugang may paparating na tropa ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BALBALUNGAO

GREGORIO CAMILING JR.

JOY CANTOS

KA DONNA

LUPAO

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

SITIO BAGONG SILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with