Mobile car nahulog sa bangin: 1 pulis patay, 4 pa kasama kritikal

() - August 23, 2003 - 12:00am
JALA-JALA, Rizal – Isang pulis ang namatay habang apat na kasama nito ang nasa kritikal na kalagayan makaraang mahulog sa limampung talampakang bangin ang kanilang sinasakyang mobile car kamakalawa ng gabi sa Brgy.Pagkalinawan ng nasabing bayan.

Ang nasawi habang ginagamot sa Tanay General Hospital ay nakilalang si PO1 Daniel Daqum, 37, habang kritikal sa nasabing pagamutan sina SPO3 Arturo Bassig; SPO2 Cezar Bassig, 40; PO1 Egdon Aris Padua, 28; at PO1 Monico Mojado, 28; drayber ng mobile car.

Ayon kay P/Insp. Ramon de Sumalla, hepe ng Jala-jala police na ang insidente ay naganap dakong alas-7 ng gabi sa national road ng nasabing bayan na nasasakupan ng Brgy. Pagkalinawan.

Nabatid na rumesponde ang mga biktima sa Sitio Ek-ek, Brgy. Lubo ng bayang ito makaraang makatanggap ng tawag sa isang nagngangalang Edelina Popsing na umano’y may mga armadong kalalakihan na nanggugulo sa kanilang lugar.

Nang dumating ang mga biktima sa nasabing lugar ay wala namang naganap na kaguluhan kaya minabuti na lamang ng mga ito na bumalik sa kanilang istasyon.

Habang papaliko ang mobile car sa nasabing hi-way ay nawala ito sa giya at hindi na nakontrol ni PO1 Mojado at tuluy-tuloy na nahulog sa bangin.

Madali namang sumaklolo ang mga residente sa lugar at agad na dinala sa nasabing pagamutan ang mga biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

ARTURO BASSIG BRGY CEZAR BASSIG DANIEL DAQUM EDELINA POPSING EDWIN BALASA EGDON ARIS PADUA MONICO MOJADO PAGKALINAWAN SITIO EK
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with