^

Probinsiya

Mag-anak, 2 pa patay sa salpukan ng dalawang sasakyan

-
DINALUPIHAN, Bataan Lima katao ang iniulat na kumpirmadong nasawi habang limang iba pa ang duguang isinugod sa pagamutan sa naganap na pagsasalpukan ng dalawang sasakyan sa Barangay Saguing, Dinalupihan, Bataan, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bataan Provincial Police Office (BPPO) Director Sr. Supt. Sahiron Dulah Salim, dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng sakuna ang mga biktima na kinilalang sina Hernan, 27 at ang asawa nitong si Crystal Velasco, 29, anak na si Mark Dave Velasco, 2; Analyn Acebedo, pawang mga residente ng Carmona, Cavite at Benjamin Ferrer, 30, ng Olongapo City.

Samantalang malubha namang isinugod sa James I. Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City ang mga sugatang sina Fernando Batac, residente ng Barangay Sta. Barbara, Baliuag, Bulacan; Wilson Acebedo, Divina Velasco, Carl Acebedo, at Mark Jethro Acebedo, 3, pawang mga taga Carmona Cavite.

Ayon kay Dinalupihan-PNP station commander Sr. Insp. Rommel Velasco, naganap ang trahedya dakong ala-1 ng madaling araw kahapon habang lulan ang mga biktima ng black na Honda Civic (TFR-302) at binabagtas ang kahabaan ng National Highway, Barangay Saguing nang bigla na lamang silang salpukin ng Isuzu MU (4x4) na may plakang XCR 565.

Nabatid sa imbestigasyon na pilit umanong iniiwasan ng Isuzu ang isang lalaki na nagbibisikleta nang bigla itong nag-overtake at mawalan ng kontrol ang sasakyan hanggang sa mapadako ito sa kabilang linya at sumalpok sa sasakyan ng mga biktima. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ANALYN ACEBEDO

BARANGAY SAGUING

BARANGAY STA

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

BENJAMIN FERRER

CARL ACEBEDO

CARMONA CAVITE

CRYSTAL VELASCO

DINALUPIHAN

OLONGAPO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with