^

Probinsiya

Banggaan ng tricycle at AUV; 2 todas, 2 pa grabe

-
TRECE MARTIRES CITY – Dalawa katao ang kumpirmadong namatay, samantala, dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos na salpukin ang sinasakyang trike ng mga biktima ng isang AUV Ford Fierra sa kahabaan ng Trece Amadeo Road, Brgy. Conchu sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa University Medical Center sina Alfredo Macam, pasahero ng trike at Delfin Paraino, 36 , may asawa at driver ng trike (VS-5639) ng Phase 1 Block 2, Lot 58 Cuidad Adelina ng naturang lugar.

Samantala, sina Pinky Velria, 25, nurse at Edna Salvador, 28, estudyante na kapwa residente ng Brgy. Conchu sa lungsod na ito ay nilalapatan ng lunas sa nabanggit na ospital.

Nakapiit naman ngayon ang driver ng AUV (DRA-835) na si Eduardo Marquez, 33, may asawa, isang empleyado sa hindi nabatid na ahensya ng pamahalaan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Benjamin Villanueva, naganap ang aksidente dakong alas-8:15 ng gabi matapos na sakupin ng AUV ang kaliwang bahagi ng kalsada na nagresulta upang masalpok ang sasakyang trike ng mga biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALFREDO MACAM

BENJAMIN VILLANUEVA

BRGY

CONCHU

CRISTINA GO-TIMBANG

CUIDAD ADELINA

DELFIN PARAINO

EDNA SALVADOR

EDUARDO MARQUEZ

FORD FIERRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with