^

Probinsiya

3 kalabang babae ni Lani sa pagka-mayor umatras

-
Balak gibain at lituhin ng tatlong kababaihan na nagsumite ng kandidatura sa pagka-Mayor ng Bacoor, Cavite para tuluyang matalo si Lani Mercado Revilla na tumatakbong Mayor sa partido ng Lakas-NUCD.

Ang tatlong ginang na naghain ng kandidatura ay nakilalang sina Lani T. Tabuan, Julita D.Mercado at Leonora V. Revilla noong alas 11:57 ng gabi noong Pebrero 28 na huling araw ng paghahain ng certificate of candidacies (COC’s).

Subalit sa mismong bibig ng mga ginang na hindi sila personal na naghain ng COC’s sa pagiging alkalde ng Bacoor.

Kaya binawi din ng mga ito ang sertipiko ng kanilang kandidatura dahil sa wala silang kakayahan na maglunsad ng kampanya at wala silang interes sa politika at nagtataka sila kung sino ang naghain ng kanilang kandidatura.

Inilagay ni Gng.Revilla ang Jesusa Victoria Hernandez Bautista-Revilla at ang Lani Mercado-Revilla na kanyang palayaw ay bibilangin sa botohan.

Halata umano na ang layunin ng isang politikong makakalaban ni Lani ay lituhin ang mga botante sa araw ng halalan. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

vuukle comment

BACOOR

CRISTINA GO-TIMBANG

JESUSA VICTORIA HERNANDEZ BAUTISTA-REVILLA

JULITA D

LANI MERCADO REVILLA

LANI MERCADO-REVILLA

LANI T

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with