^

Probinsiya

Magkalaguyo niratrat habang nagtatalik, todas

-
BASUD, Camarines Norte – Sa halip na sarap ang marating ng mag-lover kamatayan ang kinahantungan ng mga ito matapos ratratin nang armalite ng dalawang lalaki habang ang mga ito ay nasa kasarapan nang pagtatalik sa loob ng kanilang kuwarto sa Bgy. Langga, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Agad na nasawi ang maglive-in na nakilalang sina Lourdes Trinidad, 18, graduating student ng D.Q. Liwag High School, residente ng Bgy. San Jose,Talisay at Roderick Yarte, 22, binata, ex-convict at residente ng Bgy. Mantagbak, Daet.

Ayon sa pulisya nang sila ay magresponde sa lugar ng insidente ay kanilang nadatnan ang dalawang biktima na kapwa mga hubot hubad.

Ang babae ay nakahandusay sa ibabaw ng lalaki na kapwa naliligo sa sariling dugo dahil sa tama ng mga bala ng armalite.

Malaki ang hinala ng mga awtoridad na dakong alas-10:30 ng gabi ay kasalukuyang nagtatalik ang magkasintahan nang ito ay pasukin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sinabi naman ng kamag-anak ng mga biktima na may hinala sila na ang pumatay ay miyembro ng pulisya dahil may nakaaway na dalawang pulis si Yarte noong nakalipas na araw sa bayan ng Daet.

Dinagdag pa ng mga kamag-anak ni Yarte na bago ito namatay ay may naikuwento ito sa kanila ukol sa dalawang pulis na kanyang nakaaway.
May pinapagawa umano ang dalawang pulis sa kanya na isang krimen na kanyang tinanggihan dahil gusto na niyang magbagong buhay na ipinangako nito sa kanyang live-in partner na magtatapos na ng kanyang pag-aaral sa high school ngayong darating na Marso.

Maaaring alam ng dalawang pulis ang bahay ni Yarte at alam kung anong oras natutulog ang mga biktima ng gawin nito ang krimen.

Sampung basyo ng bala ng armalite ang nakita sa kuwarto ng mga biktima.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung ano ang motibo at sino ang dalawang pulis na pinaghihinalaan ng mga kamag-anak na siyang pumatay. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

BGY

CAMARINES NORTE

DAET

DALAWANG

FRANCIS ELEVADO

LIWAG HIGH SCHOOL

YARTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with