^

Probinsiya

Pagkawala ng P376,000 sa kaban ng Pidigan, binubusisi

-
BANGUED, Abra - Mahigpit na iniimbestigahan ngayon ng Commission on Audit (COA) ang napaulat na nawawalang P376,000 cash money na diumano ay kinuha ng isang politiko sa kaha ng bayan ng Pidigan.

Inamin din ito ni COA Provincial Auditor Agaton Dacayanan sa mga media, kasabay nang pagsasabing may ginagawang imbestigasyon ang kanyang tanggapan upang alamin kung papaano nawala ang naturang halaga na nakatago sa cash-vault ng Pidigan.

Nabatid sa isang miyembro ng investigating team na nadiskubre lamang na nawawala ang naturang halaga nang buksan ang kaha para mag-audit. Nabatid na ang naturang pera ay nasa kaban ng bayan bago pa man magtapos ang taon at ngayon na lamang pagpasok ng panibagong taon nadiskubre.

Sinabi ni Dacayanan na normal lamang daw ang kanilang ginagawang pag-aaudit at hindi sinasadya na nakitang walang laman ang kaha. (Ulat ni Myds Supnad)

ABRA

DACAYANAN

INAMIN

MAHIGPIT

MYDS SUPNAD

NABATID

PIDIGAN

PROVINCIAL AUDITOR AGATON DACAYANAN

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with