^

Police Metro

Chinese na dinukot natagpuang hubad, duguan!

Ed Amoroso - Pang-masa
Chinese na dinukot natagpuang hubad, duguan!
Kinilala ang biktima na si Zhang Jia Ning, 24, tubong Hunan, China; estudyante at residente ng Pink House, Intramuros, Maynila.
STAR/ File

Tumalon sa gusali na nakaposas...

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga awtoridad ang isang Chinese na dinukot ng dalawang kapwa Tsino sa isinagawang operasyon sa San Lorenzo South Subdivision sa Brgy. Malitlit, Sta Rosa City, Laguna, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Zhang Jia Ning, 24, tubong Hunan, China; estudyante at residente ng Pink House, Intramuros, Maynila.

Ang biktima ay natagpuang hubad, nakaposas, duguan at gumagapang sa simentadong sahig makaraang tumalon mula sa ikalawang palapag ng gusali at agad na humingi ng tulong sa isang testigo.

Sa ulat, si Zhang ay dinukot ng kapwa Chinese na dalawang lalaki sa may parking lot ng PITX, ­Parañaque City saka dinala sa Sta. Rosa City, Laguna at ikinulong ng tatlong araw.

Nailigtas naman ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa tulong ng mga concerned citizens.

Tinukoy ng biktima sa pulisya ang mga dumukot sa kanya na sina Xie Jing Long, 25, at Sheng Likun, 35, na kapwa naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya sa J.B Village, Brgy. Balibago, Sta Rosa City, nitong Miyerkules ng hapon.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang isang pistol caliber 45, mga bala, cellphone, damit, cartrid­ges at P137,555 cash. Sila ay kapwa kinasuhan na ng “kidnapping and serious illegal detention” at “illegal possession of firearms and ammunitions” sa Office of the City Prosecutor sa Sta. Rosa City.

vuukle comment

ZHANG JIA NING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with