^

Police Metro

391K doses ng bivalent vaccines na donasyon, dumating na - DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahan kahapon ng Department of Health (DOH) na matatanggap na nila ang may 391,000 doses ng COVID-19 bivalent vaccines bilang donasyon sa Pilipinas  na matatanggap na ng bansa ang donasyong bivalent COVID-19 vaccines para gamitin sa pagbibigay ng third booster dose.

Ayon sa DOH, ang 391,000 doses ng nasabing bakuna na gagamitin sa pagbibigay ng third booster ang inasahang darating sa Pilipinas nitong Sabado ng gabi (Hunyo 3).

“The expected arrival of the donated bivalent Co­vid-19 vaccines [is] tonight, June 3, at around 10 p.m.,” sa isang  pahayag ng DOH nitong Sabado.

Ang bivalent jabs ay proteksyon laban sa 2 strains-original at Omicrons subvariants BA ng CO­VID-19, ay ibibigay bilang third booster sa 18 taong gulang pataas na kabilang sa priority groups A1(health workers) at A2 (senior citizens) matapos ang 4 hanggang anim na buwan matapos ang pagbabakuna ng second booster dose.

Hindi pa naman itinatakda ang pagsisimula ng pagbibigay ng ikatlong booster, na planong isagawa sa mga piling ospital at health facilities.

Agad na ipapadala ng DOH sa iba’t ibang rehiyon at operating units ang bivalent vaccines. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with